Ang tigil putukan ayon kay Arroyo ay inaasahan niyang magiging daan para palayain na ng CPP-NPA-NDF si Sgt. Jeremias Rosete na nabihag ng mga NPA noong Setyembre 4,2001.
Saklaw ng idineklarang ceasefire ang buong bansa partikular ang apat na lalawigan ng South Central Mindanao para sa mabilis na pagpapalaya kay Rosete.
"Dahil darating na ang Holy Week at mayroon tayong ceasefire iyan ang pagkakataon na ipakita ng NPA na sinsero sila at i-release nila si Sgt. Rosete. Sa katotohanan lang kung gusto nilang ipa-release iyon ay puwede nilang iwanan doon sa Simbahan sa Marbel," anang Pangulo.
Wala ring nakasulat na rekomendasyong iniharap si Defense Secretary Angelo Reyes sa Pangulo kundi verbal lang ang mungkahi niyang magpatupad ng ceasefire sa CPP-NPA-NDF.
"Sa MILF ay mayroon tayong on-going ceasefire, so kailangang mag-declare ng additional ceasefire dahil talaga namang sa Semana Santa ay mayroon tayong ceasefire sa NPA. Magsi-ceasefire tayo. Siguro naman sa panahon ng ceasefire maire-release na si Rosete So, nananawagan ako sa kanilang palayain na si Rosete sa Holy Week Ceasefire. Maawa naman sila sa pamilya ni Sgt. Rosete," anang Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)