^

Bansa

Magsasaka magma-martsa mula Laguna papuntang Supreme Court

-
Nagbanta ang mga magsasaka mula sa Laguna na sila’y magma-martsa patungong Supreme Court kapag ipinagkait ng SC ang kanilang minimithing hustisya sa usapin ng lupa.

Nabatid mula sa 15-pahinang motion for reconsideration sa SC ng mga magsasaka sa Brgy. Casile, Cabuyao, Laguna kinukuwestiyon nito ang naging desisyon ng Korte sa pangunguna ni Chief Justice Hilario Davide Jr. nang ipag-utos nito na ibalik sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang paglilitis hinggil sa pinagtatalunang lupain sa pagitan ng Casile farmers at ang kaibigan ni dating Pangulong Estrada na si Jose Luis Yulo, ang Santa Rosa Realty Dev’t Corp.

Ang kaso ay nag-ugat noong 1988 makaraang maipasa ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Hiniling sa DAR ng mga magsasaka sa Casile na masaklaw ng CARP ang 8,000 ektaryang hacienda ng pamilya Yulo na sinasabing tinututulan ng pamilya Yulo sa katwirang hindi ito sakop ng CARP dahil isa itong municipal park at watershed.

Ang depensa ng pamilya Yulo ay ibinasura ng DAR hanggang sa umakyat ang kaso sa Court of Appeals (CA), subalit natalo muli ang mga Yulo. Nakarating ang kaso sa Korte Suprema at laking gulat ng mga magsasaka ng baligtarin ng Mataas na Hukuman ang desisyon ng DAR at CA.

Sinasabi sa desisyon ng SC First Division noong Oktubre 12, 2001 na ibabalik ang kaso sa DAR adjudication board para litising muli ang kaso bunga ng mga inihaing depensa ng pamilya Yulo. Nangangahulugan anya ito na mababalewala lamang ang 13-taong pakikipaglaban ng mga magsasaka.

Bunga nito, iginiit ng mga magsasaka na katigan ng SC ang naging desisyon ng DAR at CA at huwag ipagkait sa mga ito ang hinihingi nilang lupain dahil posibleng gamitin na nila ang batas ng mga mahihirap para mabigyan ng katarungan ang kanilang mga naging kaapihan. (Ulat ni Grace Amargo)

CASILE

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

FIRST DIVISION

GRACE AMARGO

JOSE LUIS YULO

YULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with