Senado inisnab ng 68 jueteng lords
March 12, 2002 | 12:00am
Inisnab ng may 68 pinaghihinalaang jueteng lords sa Luzon ang ipinatawag na pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na patuloy ang operasyon ng bawal na gamot.
Tanging ang suspected jueteng lord na si Edmundo Aquino ng Ilocos Norte at ang kinatawan ni Boy Tuzon na si Patrick Tuzon na pinaghihinalaang operator naman sa Nueva Vizcaya ang dumalo sa isinagawang pagdinig ng komite ni Sen. Barbers kasama ang mga opisyal ng PNP at NBI director Reynaldo Wycoco.
Sinabi ni Sen. Barbers, sakaling totoo ang natanggap na report ng DILG na mismong ang simbahang Katoliko ay tumatanggap ng donasyon na mula sa jueteng ay dapat pagsabihan ang mga kaparian at obispo ukol dito.
Aniya, ang pagtanggap ng donasyon na mula sa jueteng operations ay isang kongkretong manipestasyon ng pagtangkilik ng simbahan sa ipinagbabawal na sugal.
Winika naman ni DILG Undersecretary Marius Corpus na hindi naman kumpirmado ang natanggap na ulat na ito mula sa pulisya pero sakaling totoo ito ay hindi nararapat dahil pagpapakita pa ito ng pagsang-ayon sa bawal na sugal.
Mariing itinanggi naman ng mga regional at provincial commanders ng PNP na tumatanggap sila ng jueteng payola at mariing pinabulaanan din ng mga ito na kinukunsinti nila ang bawal na sugal sa kanilang hurisdiksyon.
Siniguro naman ni Barbers na magpapatawag pa muli siya ng panibagong pagdinig ukol dito para malaman kung karapat-dapat bang gawing legal ang jueteng dahil hindi na ito masugpo ng mga awtoridad.
Magkakaroon naman ng jueteng summit sa darating na March 26 kung saan ay inaasahang dadalo ang mga provincial at regional commanders ng pulisya, mga local government executives at ang kinatawan ng simbahang Katoliko.
Magugunita na ibinunyag ni Sen. Lacson sa pamamagitan ng kanyang privilege speech na "Her Excellency, Her Helplessness" na patuloy sa pamamayagpag ang jueteng sa ilalim ng Arroyo administration dahil umano sa pagkunsinti ng mga awtoridad dito.
Hindi naman dumalo sa nasabing pagdinig si PRO3 director C/Supt. Reynaldo Berroya dahil sa kaarawan nito kahapon kaya hindi natuloy ang inaasahang pagtatagpo nina Berroya at Lacson. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am