Davide tinira ni Erap
March 12, 2002 | 12:00am
Hindi pa rin tinitigilan ni dating Pangulong Estrada ang hudikatura lalo na ang Supreme Court at ang pinakahuling alegasyon ay ipinukol kay Chief Justice Hilario Davide na pinaratangan niyang nag-lobby umano kay Lucio Tan upang ipakiusap sa kanya na i-appoint bilang chief justice sa SC kapalit ni dating Chief Justice Andres Narvasa.
Sa isang panayam sa telebisyon kahapon, sinabi ni Estrada na bagaman at si Davide ang talagang napipisil niyang gawing chief justice noong siya pa ang pangulo ng bansa base na rin sa rekomendasyon ni Narvasa, ay lumapit pa ito kay Lucio Tan upang mag-lobby.
Hindi na umano siya nagtataka kung bakit nababaluktot na ang judicial system ng bansa at nawalan na siya ng tiwala sa hustisya.
"Inimbita po ako ni Mr. Lucio Tan doon sa kanyang penthouse sa Century Park Hotel, inimbita po akong mag-dinner, pagpasok ko ho doon sa kanyang penthouse, nakita ko po yang si Justice Davide na pinakikiusap ni Mr. Lucio Tan, nagulat ako kung bakit hanggang kay Lucio Tan ay nakiusap siya," sabi ni Estrada.
Tinira rin ni Estrada si Davide dahil hindi umano nito ginampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin sa pamamagitan ng pagpapabalik sa mga prosecutors para tapusin ang impeachment trial.
Pinabulaanan naman ni Davide ang mga banat na ito ni Estrada laban sa kanya. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended