Utol ni Robin Padilla dinukot
March 10, 2002 | 12:00am
Isang half-brother umano ni action star Robin Padilla ang kinidnap, samantala pinatay ng limang hindi pa kilalang armadong kalalakihan ang bodyguard nito matapos umanong sunugin ang sakahan ng una sa isang lugar sa Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay House Minority Floor Leader Carlos Padilla, dinukot ng hindi pa kilalang mga suspek ang kanyang pamangking si Gino Padilla,27, actor/singer habang nasa kanyang sakahan sa Bgy. Bibitlat, Cuyapo, Nueva Ecija.
Samantala, pinatay ng mga kidnaper si Sixto Degracia, sinasabing caretaker/bodyguard ni Gino sa loob ng bahay ng farm ni Gino.
Sinunog din ng mga suspek ang bahay sa farm, traktora at kotse ni Gino.
Sinabi ni Rep. Padilla, dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa ng pasukin umano ng mga salarin ang sakahan ni Gino.
Ayon kay Rep. Padilla, isang tawag sa telepono ang natanggap ni Jenny Serafin, ina ni Gino, na nagsasabing sila ay napag-utusan lamang at inupahan umano ng P400,000 para patayin ang aktor/singer.
Pero ayon sa nakuhang impormasyon ni Jenny, P100,000 umano ang inupa para patayin silang mag-ina at P15,000 ang paunang bayad na tinanggap ng mga hired killer.
Naniniwala si Jenny na hindi mga rebeldeng New Peoples Army ang may gawa ng pagdukot sa kanyang anak at panununog sa kanilang sakahan .
Nabatid pa na noong nakaraang Disyembre ay matinding death threat na ang natatanggap ni Gino.
Hinihinala naman ni Rep. Padilla na awayan sa lupa ang dahilan ng pagdukot kay Gino dahil may malaking ari-arian ito sa Nueva Ecija na pinag-aawayan nilang mga magkakamag-anak.
Ayon kay Rep. Padilla, si Gino ay half-brother umano ni Robin at pinsan naman ng singer/aktres na si Zsazsa Padilla.
Nananatiling tahimik ang pulisya dahil ayaw magbigay ng detalye ang mga ito habang isinusulat ang balitang ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended