Term extension ni Mendoza binawasan ni GMA ng 3 buwan
March 6, 2002 | 12:00am
Binawi ni Pangulong Arroyo ang siyam na buwang extension sa termino ni PNP Chief, Director General Leandro Mendoza na sa halip siyam na buwan ay gagawin na lang anim na buwan o sa Setyembre imbes na Disyembre ang palugit sa panunungkulan nito.
Sa panayam ng isang grupo ng mga broadcaster, sinabi ng Presidente na ang pagpapaikli ng panahon sa pagpapalawig sa serbisyo ni Mendoza ay para mabigyan na kaagad ng promosyon si PNP Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane na ang pagreretiro sa tungkulin ay nakatakda sa taong 2004. Si Mendoza ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Marso 16, 2002.
Samantala, kinumpirma ng Pangulo sa naturan ding panayam ang pagtatalaga niya kay Press Secretary Noel Cabrera bilang embahador ng Pilipinas sa Romania. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest