Sa isang ambush interview, minaliit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Director Edgardo Aglipay ang kakayahan ng mga pro-Erap na maglunsad ng malaking protesta tulad ng nangyari noong Edsa 3 at May 1 Malacañang riot.
Sinabi ni Aglipay na nakausap na niya ang mga opisyal mula sa barangay level at ditoy nakumpirmang mahina na ang suporta sa grupong Peoples Movement Against Poverty (PMAP) kayat masasabi niyang imahinasyon na lamang ang pag-aalsa ng mga Erap loyalists.
Base sa impormasyon, hindi umano titigil ang PMAP at silay kikilos sa Mayo 1 o Labor day kayat patuloy na kinakausap ni Aglipay ang liderato nito upang maiwasan ang gulo at mabigyan ng proteksiyon ang mga ralista pati na rin ang publiko. (Ulat ni Joy Cantos)