Jueteng operation iimbestigahan ng Senado
March 4, 2002 | 12:00am
Sisimulan ng Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa operasyon ng jueteng sa Luzon kaugnay ng ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson dahil iniugnay dito ang anak at kapatid ni dating Ilocos Sur Luis "Chavit" Singson bilang mga financiers at operators ng bawal na sugal.
Sinabi ni Sen. Robert Barbers, Chairman ng Senate committee on Public Order and Illegal Drugs, sisimulan ng kanyang komite ang imbestigasyon sa patuloy na operasyon ng jueteng sa bansa na ibinunyag ni Sen. Lacson sa pamamagitan ng kanyang privilege speech na "Her Excellency, Her Helplessness".
Inaasahang dadalo sa nasabing pagdinig sina DILG Secretary Joey Lina, PNP-Director Leandro Mendoza, ang mga regional directors ng PNP sa ibat-ibang lugar sa Luzon at mga lokal na opisyal.
Inakusahan ni Sen. Lacson sa kanyang privilege speech na naging inutil ang pamahalaang Arroyo sa pagsugpo ng jueteng dahil sa patuloy na pamamayagpag nito sa ibat-ibang sulok ng Luzon.
Kabilang sa tinukoy ni Lacson sa jueteng financiers/operator ay sina Ronald Singson, anak ni Chavit; Bonito Singson, kapatid ni Chavit at ang umanoy pamangkin ni Senator Ramon Magsaysay Jr., sa Zambales. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest