Piyansa ni Atong Ang tinutulang ng US Court
March 2, 2002 | 12:00am
Ibinasura kahapon ng Las Vegas court ang kahilingan ni dating presidential adviser Charlie "Atong" Ang na makapagpiyansa.
Nabatid kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman assistant secretary Victoriano Lecaros na mananatili si Ang sa kulungan habang nakabinbin ang extradition hearing. Itinakda sa Mayo 2 ang extradition arguments habang hinihintay pa ang resulta ng kanyang hinihinging asylum.
Bukod sa asylum, hiniling rin ni Ang na ang hurisdiksiyon ng kanyang kaso ay malipat sa US Immigration mula sa US Marshall.
Si Ang, 43, ay kasama ng kanyang kaibigang si dating pangulong Estrada na nahaharap sa kasong plunder o pandarambong na may maximum na parusang kamatayan.
Tumakas siya patungong Amerika noong kasagsagan ng impeachment trial pero nahuli ng mga US marshals habang nagka-casino sa Paris Hotel sa Las Vegas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest