Press Sec. pagod na sa trabaho gusto ng magbitiw

Nagpasabi na si Press Secretary Noel Cabrera kay Pangulong Arroyo ng kanyang intensiyong magbitiw sa puwesto dahil napapagod na umano siya sa bigat ng trabaho bilang miyembro ng Gabinete.

Sa isang press briefing, sinabi ni Cabrera na naunawaan naman ng Pangulo ang kanyang plano bagaman hindi pa niya tinatanggap ang alok bilang chairman ng isang korporasyon.

Hindi umano makatarungan para sa Pangulo na mapabayaan niya ang kanyang trabaho kung pagsasabayin niya ang dalawang posisyon.

Isa sa mga sinasabing papalit kay Cabrera ay si Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao o kundi man ay si Press Undersecretary Bobby Capco. Pero sinabi ni Tiglao na hindi siya interesado sa puwesto. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments