^

Bansa

Pinay sa US nanalo ng $ 193M sa lotto

-
Maituturing nang isa sa pinakamasuwerteng tao sa buong mundo ang isang 42-anyos na Pinay matapos itong manalo sa pinakamalaking lottery draw sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng S193 milyon.

Si Wilma Naguit, tubong Pampanga, may isang anak at immigrant sa US ay kahapon lamang humarap sa media sa California dahil sa sobrang nerbiyos.

"Because I feel nervous. Every day, every night I cannot sleep," pahayag ni Naguit ng tanungin ng mamamahayag kung bakit ngayon lamang ito lumantad.

Ayon sa report, noon pang Pebrero 16 nanalo si Naguit pero kasalukuyan siyang nasa Pilipinas. Sinabihan lamang ito ng kanyang mga kamag-anak sa Montebello, California hinggil sa malaking jackpot prize ng lotto na napanalunan niya.

Ang tiket ay binili ni Naguit sa Montebello 7-Eleven grocery store at isa siya sa tatlong nanalo.

Sa halip na bayaran siya sa loob ng 26 taon, pinili ni Naguit na bayaran na lamang siya ng cash.

Lumalabas na ang makukuha ni Naguit ay $32 million at 27% nito ay mapupunta pa sa federal government.

Ang masaklap, nabatid na kasalukuyang inaayos ni Naguit ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang mister kaya maari pang makuha ng kanyang asawa ang kalahati ng kanyang napanalunan.

Ang nasabing jackpot prize ang pinakamalaking naitalang premyo sa single-state lotto, samantala ang pinakamalaki sa multi-state lotto ay umabot ng $363 milyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BECAUSE I

ESTADOS UNIDOS

LUMALABAS

MAITUTURING

MONTEBELLO

NAGUIT

PAMPANGA

ROSE TAMAYO

SI WILMA NAGUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with