Pagbebenta ng mga pre-paid cell cards, pinahihigpitan
February 18, 2002 | 12:00am
Dahil sa malayang nagagamit ng mga sindikato ang mga pre-paid cellular phones sa kanilang ilegal na gawain, hiniling ng isang mambabatas na mahigpit na ipatupad ang Memorandum Circular 13-6-2000 na ipinalabas ng National Telecommunication Commission (NTC) noong Hunyo 16, 2000.
Sa nasabing circular, ipinag-uutos ng NTC sa lahat ng cellular mobile telephone system(CMTS) operators ang pagpapakita ng valid ID, pagkuha ng pangalan at address ng isang bumibili ng pre-paid unit.
Ayon kay Catanduanes Rep. Joseph Santiago, dating Commissioner ng NTC, hindi lamang ang pagnanakaw ng handsets ang nagiging problema sa mga pre-paid cellular telephones dahil nagagamit na rin ito sa scam.
Noon lamang nakaraan linggo, nadakip ng NBI sa Davao City ang anim na miyembro ng isang gang na nasa likod ng isang text messaging scam.
Nagpapadala ng mensahe ang sindikato sa isang biktima para sabihing nanalo ito ng P1 million mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pero kinakailangan munang mag-deposito ng P10,000 bilang processing fee at ipadala sa isang account para makuha ang premyo.
Dahil hindi kaagad nati-trace ang mga pre-paid cellular telephones ay madali itong nagagamit ng mga sindikato sa kanilang panloloko.
Sa ngayon ay may 10 million cellular subscribers, 80% ng nasabing bilang ay mga pre-paid users .
Sinabi ni Santiago, kung mahigpit lamang na maipatutupad ang memorandum ng NTC ay tiyak na mabilis ding mahuhuli ang mga magnanakaw ng cellular phones.
Ayon kay Santiago, dapat parusahan ang mga CMTS operators na hindi tutupad sa nasabing circular. (Ulat ni Malou Rongalerios Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest