^

Bansa

Laquian gagawing witness vs Erap

-
Malaki ang posibilidad na gamitin ni Ombudsman Aniano Desierto ang testimonya ni dating Presidential Chief of Staff Aprodicio Laquian laban kay dating Pangulong Joseph Estrada ukol sa kontrobersiyal na Jose Velarde account.

Ito ang naging pahayag ni Desierto matapos na inilathala ni Laquian ang kanyang librong "The Erap Tragedy" at nakasaad dito na kasama umano siya sa kuwarto ni Estrada nang lagdaan nito ang Jose Velarde account.

Nakalagay din sa naturang libro na nandoon si impeachment star witness Clarissa Ocampo nang ganapin ang lagdaan.

Magugunita na si Ocampo ang Senior Vice President ng Equitable PCI Bank ay nagpahayag sa impeachment trial na si Estrada ay nag-open ng account para doon umano ilagay ang kanyang mga iligal na transaksiyon.

Kaya malaki ang paniwala ni Desierto na makakatulong ng malaki sa prosekusyon kung tetestigo si Laquian na personal na nakasaksi sa lagdaan ng Jose Velarde account sa loob ng Malacañang.

Ayon pa kay Desierto na ang magiging testimonya ni Laquian ay maaaring gamitin para suportahan ang testimonya ng iba pang saksi sa pamamagitan ng corroborative testimony.

Kung sakali umano na kapag mayroong komunikasyon na ibinigay sa kanila si Laquian para sa kanyang testimonya ay gagawa agad ng kaukulang aksiyon si Desierto para makuha ang magiging pahayag nito.

Si Laquian ay napilitang magbitiw sa puwesto matapos ibunyag nito ang umano’y paglalasing ni Estrada at katamaran nitong maglingkod bilang Presidente. (Ulat ni Grace Amargo)

CLARISSA OCAMPO

DESIERTO

ERAP TRAGEDY

GRACE AMARGO

JOSE VELARDE

LAQUIAN

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF APRODICIO LAQUIAN

SENIOR VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with