^

Bansa

Pinalawig na termino ni Mendoza hindi iaatras ng Malacañang

-
Walang plano si Pangulong Arroyo na bawiin ang naging desisyon nito na palawigin pa ng siyam na buwan ang termino ni General Leandro Mendoza bilang hepe ng PNP.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, buo ang tiwala ng Pangulo sa liderato ni Mendoza at sa maayos na trabaho ng PNP.

Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa pag-angal ng ilang grupo ng Fil-Chinese community sa pangunguna ni Citizens Action Against Crime head Teresita Ang See.

Nadismaya ang grupo ni See dahil sa kabila ng kapalpakan umano sa peace and order ng PNP sa pamumuno ni Mendoza ay nabigyan pa ito ng reward at humaba pa ang panunungkulan.

Si Mendoza ay nakatakdang magretiro sa Marso pero pinalawig pa ng siyam na buwan dahil sa mataas na marka na nakuha sa pinakahuling survey.

Samantala, nilinaw ni Tiglao na hindi masasabing dismayado ang buong Fil-Chinese community kay Mendoza dahil ang grupo ni See ay hindi kumakatawan sa buong Tsinoy sa bansa. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

CITIZENS ACTION AGAINST CRIME

ELY SALUDAR

FIL-CHINESE

GENERAL LEANDRO MENDOZA

MENDOZA

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SI MENDOZA

TERESITA ANG SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with