Pinoy binastos sa LA airport, passport at US visa pinunit
February 12, 2002 | 12:00am
Isang Pilipino ang nagsampa ng reklamo kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa isang opisyal ng US Immigration na nakatalaga sa Los Angeles International Airport dahil sa pambabastos at pagpunit sa kanyang pasaporte kabilang na ang kanyang US visa at pagpapadeport sa kanya ng walang malinaw na dahilan.
Sa sworn affidavit ni Baltazar Aquino, nasa hustong gulang at residente ng 2009-B Padre Gomez st., Pasay City, sa apat na taon niyang pagbalik-balik sa Estados Unidos, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas siya ng pambabastos sa nasabing bansa at ang masaklap ay mula pa sa isang nagngangalang M.S. Elepano So II, isang Fil-American at special operation immigration inspector sa nabanggit na paliparan.
Ayon kay Aquino, legal ang lahat ng kanyang mga travel documents nang dumating siya sa LA airport dakong alas-7 ng gabi noong Enero 28, 2002 pero pinigilan umano siya ng naturang opisyal.
"I was asked by M.S. Elepano to sit down so that she can start with the interrogation...when I was about to take my seat, she held my passport and tore off the page where my US visa was attached to and threw it up in the air as if she was playing with it and thats the time she began asking me questions...I felt upset because she tore my passport, even before asking my name," pahayag ni Aquino sa kanyang affidavit.
Masama ang loob ni Aquino dahil bukod sa mahal na ang pagkuha ng US visa ay pagod at hirap ang dinanas niya bago makakuha nito na may katagalan niyang nilakad.
Matapos umanong punitin ang kanyang pasaporte at US visa ay ipinasok siya sa detencion cell ng naturang airport kung saan tatlong Filipino deportees rin ang nakakulong roon.
Taliwas sa kanyang naranasan, di naman umano pinunit ang passport at US visa ng tatlo na kasama niyang pinabalik ng bansa sa di malamang dahilan.
Nabatid naman sa DFA na prerogative o optional umano sa Amerika ang pagtanggap nila ng isang national sa kanilang bansa. Sa kaso ni Aquino, kahit walang diperensiya ang kanyang mga dokumento, hindi siya pinayagang makapasok. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest