RPA, ABB hindi puwedeng maging CAFGU
February 11, 2002 | 12:00am
Walang plano ang gobyerno na kalapin bilang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Units o CAFGU ang mga miyembro ng Revolutionary Proletarian Army (RPA) at Alex Boncayao Brigade (ABB) para pangalagaan ang mga mamamayan sa pook rural laban sa mga kriminal.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita, mayroong naunang pag-usap para isanib sa CAFGU ang mga miyembro ng RPA/ABB kasunod ng paglagda sa isang kasunduang pangkapayapaan noong Disyembre 6, 2000 sa pagitan ng pamahalaan at RPA/ABB sa Negros.
Sinabi ni Ermita, ang opisyong ito ay hindi na ipinagpatuloy dahil ang mga lider ng RPA/ABB ay nagpahatid ng mensahe kay Ermita na hindi nila gustong makabilang sa para-military unit.
Nauna rito, hiniling sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na apat na Obispong Katoliko na huwag gamiting miyembro ng para-military unit ang mga nabanggit.
Inihayag ni Ermita na ang pagkalap sa RPA/ABB para maging miyembro ng CAFGU ay isa lang sa maraming oposyon na pinag-iisipan ng pamahalaan sa patuloy nitong pag-aaral sa nilagdaang kasunduan.
Ayon kay Ermita, pinag-aaralan ng gobyerno ang iba pang alternatibo sa pagpapatupad ng peace agreement na nilagdaan sa RPA/ABB na puwedeng maging katanggap-tanggap sa magkabilang panig.
Ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ay nagpatawag ng isang pulong pangkapayapaan sa boung Negros kasama ang pamunuan ng simbahan sa Bacolod at Kabankalan at Peace Advocates of Negros noong Disyembre 21, 2001 para linawin ang mga probisyon ng nilagdaan kasunduang pangkapayapaan. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended