Parañaque hindi uurong sa utang ng NAIA
February 11, 2002 | 12:00am
Hindi titigil ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa pangunguna ni Mayor Joey Marquez na singilin ang P650 million realty tax utang ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi binabayaran ng huli noong pang 1962.
Sinabi ni Marquez, na kukunin niya ang legal opinion ng kanyang mga abogado para puwersahin na magbayad ang pamunuan ng MIAA sa kanila.
I believe under the law, MIAA has to pay the government of Parañaque the realty tax due to us. ani Marquez.
Si Marquez ay dumating sa NAIA sakay ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-103 galing US, kahapon ng umaga.
Naudlot ang pagdanak ng dugo sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City at ng MIAA management ng magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals na pumapabor sa huli para ipagpaliban ang sinasabing subastahan ng runway sa airport.
Sa ngayon ay may status quo sa pagitan ng dalawang ahensya ng gobyerno kaugnay ng nasabing isyu.
Samantala, tiniyak nina MIAA general manager Ed Manda, Ret. General Mike Hinlo, Assistant general manager for Security and Emergency Service at PNP-Aviation Security Group Director Marcelo Ele jr., na ligtas ang NAIA sa lahat ng uri ng kriminalidad na maaaring mangyayari dito.
Protektado namin hindi lamang mga pasaherong dumarating at umaalis ng bansa kundi maging mga empleyado sa airport, well wishers at welcomers. anang mga ito. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended