Camacho handang humarap sa Senado

Handang humarap sa Senado si Finance secretary Jose Isidro Camacho para magpaliwanag sa finance committee na pinamumunuan ni Senador John Osmeña ukol sa sinisiyasat na umano’y maanomalyang PEACe bonds na nakapagpawala sa gobyerno ng P5 bilyon sa dapat makolektang buwis.

Ayon kay Camacho,walang katotohanan ang tsismis na plano niyang magbitiw sa tungkulin dahil wala na raw pag-asang makumpirma pa ng Commission on Appointments ang pagkahirang sa kanya bilang secretary ng Department Of Finance (DOF).

Ikinalugod din ni Camacho ang naging pahayag ng Pangulo na hindi siya sisipain sa puwesto sa kabila ng mga bintang sa kanya. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments