Upakan sa NAIA nakaamba
February 8, 2002 | 12:00am
Nakaalerto ang daan-daang puwersa ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) at mga tauhan ng airport police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mabigyan ng kaligtasan ang mga dumarating at umaalis na pasahero sa umanoy posibleng pagsiklab ng giyera sa pagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA) management at ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City hinggil sa umanoy pagsasara ng runway dahil sa P650-M realty tax na utang na ayaw bayaran ng NAIA.
Sinabi ni ret. Gen. Mike Hinlo, Assistant General Manager for Security and Emergency Services na hindi nila papayagan ang anumang hakbangin na gagawin ng mga taga-Parañaque city hall tulad ng pagpasok sa airport na magiging dahilan para masira ang operasyon dito na kung saan ay posibleng maapektuhan ang international at domestic flights nang may 50,000 pasahero ang umaalis at dumarating araw-araw.
Ayon kay Hinlo, ang hukuman lamang ang may final judgement sa kasong hindi pagbabayad ng NAIA na ang usapin ay nagsimula pa noong 1962 kaya umabot sa P650 milyon ang naging utang nito sa city government.
Nakahanda ang mga tauhan ng airport police at PNP-ASG na nakakalat sa mga strategic points para itaboy ang mga tauhan ng city government kung magsasagawa ito ng rali at pagpilit na isara ang airport.
Ang kaso ay kasalukuyang nakabinbin sa Court of Appeals pero sa kabila nito ay balak ng Parañaque government na isubasta ang runway ng NAIA kapag hindi nagbayad ang MIAA management.
Binanggit pa ni Hinlo, na dapat ang mag-usap sa problemang ito ay sina MIAA General Manager Ed Manda at Mayor Joey Marquez para maayos sa magandang paraan. (Ulat ni Butch M.Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended