^

Bansa

Camacho pinagbibitiw sa PEACe bond scam

-
Nanawagan kahapon si Sen. Loi Estrada kay Finance Secretary Jose Isidro Camacho na magbitiw na ito sa tungkulin dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang Poverty Alleviation Certificates (PEACe) bonds.

Sinabi ni Estrada na ang pagbubunyag ni National Treasurer Sergio Edeza sa ginanap na pagdinig kahapon ng Senate committee on finance na kasama si Camacho sa meeting ng Caucus Development for NGO Networks (Code-NGO) at iba pang opisyal ng gobyerno para ayusin ang gusot hinggil sa PEACe bond deal ay nakaapekto na sa kredibilidad ng kalihim bilang public servant.

Ipinunto ng senadora ang umano’y pagsisinungaling ni Camacho dahil patuloy nitong ginigiit na wala siyang kinalaman at hindi siya kasama sa mga naging diskusyon ng Code-NGO na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Ma. Socorro Camacho-Reyes hinggil sa PEACe bond.

Pero, natuklasan sa Senado ang umano’y pakikipagsabwatan ng magkapatid upang maipalabas ang halagang P35 bilyong na nakorner ng Code-NGO kaya nalugi ang pamahalaan ng P5 bilyon sa kita matapos aminin ni Edeza na nakipagpulong si Camacho sa kapatid nitong si Reyes habang tinatalakay ang pagpapalabas ng P35 bilyong PEACe bonds na ginanap sa Department of Finance, taliwas sa testimonya ng kalihim na nag-inhibit siya sa deliberasyon nito.

Samantala, sinabi naman ni Sen. John Osmeña na sakaling mapatunayan na ginamit ni Camacho ang kanyang impluwensiya upang aprubahan ang ideya ng Code-NGO hinggil sa PEACe bond ay maaari itong sampahan ng kasong graft. (Ulat ni Rudy Andal)

CAMACHO

CAUCUS DEVELOPMENT

DEPARTMENT OF FINANCE

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

JOHN OSME

LOI ESTRADA

NATIONAL TREASURER SERGIO EDEZA

POVERTY ALLEVIATION CERTIFICATES

RUDY ANDAL

SOCORRO CAMACHO-REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with