Ang hakbang ay ginawa ng Gabriela nang malaman na padami ng padami ang bilang ng prosting mga Pinay sa Zamboanga, ang lugar na kinaroroonan ng tropang Kano na kasama sa Balikatan exercises.
Binigyang diin ng Gabriela na dapat nang maihinto ang pananatili sa bansa ng tropang Kano dahil hindi lamang kalikasan ang maaapektuhan sa gagawin ng mga itong opensiba laban sa terorismo kundi ang mga kababaihan sa bansa.
Dahil sa hirap ng buhay, nahihimok ang mga kababaihan sa bansa na maging prosti dahil sa kikitain dito dahil walang maibigay sa kanilang hanapbuhay ang pamahalaan.
Sinasamantala umano ng maraming prosti na kumita ng madaling pera ngayong panahong nasa bansa ang maraming bilang ng tropang Kano na kaisa sa Balikatan exercises. (Angie dela Cruz)