Balikatan pinatitigil ng Supreme Court
February 2, 2002 | 12:00am
Dahil sa umanoy pagiging "unconstitutional," hiniling kahapon ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Atty. Arthur Lim sa Supreme Court (SC) na pahintuin ang kasalukuyang nagaganap na Balikatan 02-1.
Sa 15-pahinang petition ni Lim, hiniling nito sa Korte na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para mapahinto ang nagaganap na "war games" sa Basilan at ang patuloy na pagdagsa ng US military troops sa bansa na bahagi rin ng Balikatan.
Binigyang diin ni Lim na ang nagaganap na joint RP-US military exercise ay nasa ilalim pa rin ng Visiting Forces Agreement (VFA) at nagkukunwri lamang na isang pagsasanay-militar subalit ang tanging hangad at layunin nitoy durugin at mapaslang ang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu.
Nilinaw pa rin ni Lim na sa ilalim ng Article 10, Section 25 ng 1987 Constitution, matapos ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at US noong 1991, ang lahat ng mga base militar nito pati na ang mga kagamitang pandigma ay hindi na maaari pang papasukin sa bansa, maliban na lamang kung ito ay muling ratipikahan at katigan ng Kongreso.
Ayon pa kay Lim, umabuso sa kapangyarihan ang administrasyong Arroyo at ang ilang opisyal nito sa ginawang pagpayag na muling makapasok sa bansa ang US troops.
Malaki ang paniniwala ni Lim na pakikingan ng Korte ang isinumite nitong petition upang mapahinto ang umanoy di makataong pagsasanay-militar sa Basilan at Zamboanga.
Samantala, makakasama ng tropa ng pamahalaan at tropang Kano ang mga empleyado ng Commission on Human Rights sa isasagawang Balikatan.
Sa isang panayam, sinabi ni information officer Edgardo Diansuy ng CHR, ang naturang pagsama ng mga empleyado ng ahensiya ay layuning matiyak na walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao.
Gustong masiguro ng CHR na walang pang-aabuso ang mga Amerikano sa gitna ng naturang pagsasanay. (Ulat nina Grace Amargo at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest