2 'Iron Lady' nagkita
January 30, 2002 | 12:00am
Nagkita na kahapon at nagkadaupang-palad sina Pangulong Arroyo at ang iniidolo niyang original na "iron lady" na si dating British Prime Minister Margaret Thatcher.
Sa ulat ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, naging makabuluhan ang 45-minutong pag-uusap ng dalawang lider, kung saan pinayuhan ni Thatcher ang Pangulo tungkol sa paglutas sa ilang problema ng bansa.
Si Thatcher na tinatawag ngayong "Baroness Thatcher" ay nagsadya sa Presidential Suite ng Pangulo sa Dorchester Hotel at inihayag niya ang kanyang tiwala na maisasakatuparan ng "iron lady" ng Asya ang lahat na mga isinusulong na programa ng pamahalaan.
Hinikayat ni Thatcher si Pangulong Arroyo na bigyang pansin ang edukasyon bilang tugon sa patuloy na lumalaking populasyon.
Kailangan anyang kumuha ng mahuhusay na guro sa mga paaralan lalo na sa matematika at siyensiya.
Samantala, handang tumulong si British Prime Minister Tony Blair kay Pangulong Arroyo at tawagan lang siya anumang oras at panahon kung ano ang kailangan ng bansa.
Sa kanilang pagkikita kahapon, sinabi ni Tiglao na naging mainit ang pagtanggap ni Blair kay Pangulong Arroyo gayundin ng mga negosyante sa London.
"Kumbaga, sa isang araw lang ay nalagay na sa radar screen ang Pilipinas natin sa British investors," sabi ni Tiglao.
Base naman sa pag-aanalisa ng mga diplomat, mabigat ang pangakong binitawan ng British PM dahil nangangahulugan ito na sakaling magka-problema o mangailangan ang bansa ay matatawagan kaagad siya ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended