Talamak na cellphone snatching may solusyon na
January 29, 2002 | 12:00am
Magandang balita sa mga pre-paid cellphone subscribers!
Sa wakas, nakahanap na rin ng lunas ang National Telecommunications Commission (NTC) sa problema ng talamak na nakawan at snatching ng mga unit ng cellphone sa pamamagitan ng pagba-block ng special coded number nito upang di na muling magamit.
Sinabi ni NTC Commissioner Eliseo Rio Jr., inaasahang maipatutupad nila ang proteksiyon laban sa lumalalang nakawan ng cellphone bago sumapit ang Valentines Day sa Pebrero 14.
"Actually matagal na naming ginagawa ito sa mga post-paid subscribers, pero dahil sa almost 75% ng subscribers ay mostly prepaid kaya naghanap kami ng paraan to safeguard them," ani Rio.
Sa pakikipagtulungan ng mga cellphone unit manufacturers at service providers, hindi na magagamit ng mga magnanakaw o ng mga bibili ng mga GSM (galing sa magnanakaw) ang naturang unit sa pagba-block nila ng International Mobile Electronic Identification (IMEI) number.
Makukuha ang numero ng IMEI ng isang cellphone unit sa pamamagitan ng pagpindot sa *#06#.
Kinakailangan lamang kabisaduhin ng may-ari ng cellphone ang IMEI number nito.
Kung manakaw o mawala ang naturang unit, maaari itong iulat sa NTC o sa anumang service provider para mai-block ang naturang telepono upang hindi na magamit.
Kinakailangan lamang umanong magdala ng naturang subscriber ng police report, affidavit of loss at waiver na pinapayagan nitong i-block ang nawalang cellphone. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest