2 Indonesian terrorist nakatakas na
January 27, 2002 | 12:00am
Nakatakas na sa bansa ang dalawang Indonesian terrorist na kasamahan ng naarestong si Fathur Al-Ghouzi, ang itinuturong utak sa madugong Rizal Day bombing na umanoy may koneksiyon sa Al-Qaeda terrorist network ni Saudi billionaire Osama bin Laden.
Inamin kahapon ni PNP Chief, P/Director Gen. Leandro Mendoza na may natanggap silang ulat na ang dalawang Indonesian nationals na hinahanap nila dahil pinaniniwalaang konektado sa grupo ni bin Laden at kasamahan ni Al-Ghouzi ang nagawang makapuslit palabas ng bansa.
Dahil dito, iniatas ni Mendoza ang agarang pakikipag-ugnayan ng mga tauhan ng PNP sa Indonesian Police upang kumalap ng impormasyon tungkol kay Fathur Al-Ghouzi.
Samantala, nakatakda ring makipagkita kay Mendoza ang 40 Indonesian police para pag-usapan ang ilang mahahalagang detalye sa nadakip na si Al-Ghouzi at magpalitan ng impormasyon hinggil sa teroristang grupo nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest