General, 2 pa dawit sa 'oust GMA'
January 14, 2002 | 12:00am
Isang aktibong heneral na sinasabing loyal kay dating PNP chief at ngayon Senator Panfilo Lacson; isang dating communist propagandist at isang YOU officer ang umanoy nagpapakana para patalsikin sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malacañang.
Sinabi ng reliable source sa Camp Crame, ang tatlo ay sina PNP Chief Supt. Vic Batac, Ariel Almendras at PNP Supt. Diosdado Valeroso.
Ayon sa source, si Almendras daw ay propagandista ni Nilo Tayag, isang top ranking leader ng breakaway faction ng Communist Party of the Philippines (CCP).
Kaklase naman ni Batac si Lacson sa Philippine Military Academy (PMA), nakaladkad ang pangalan ng una sa ibat-ibang serye ng coup attempts noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Si Batac ay nasa floating status matapos mapatalsik si Erap Estrada sa kanyang puwesto bilang Pangulo ng bansa.
Si Valeroso, isang YOU kasama si Batac ay inimbitahan ng PNP-Intelligence Goup dahil sa umanoy aktibo nilang partisipasyon sa EDSA 3 pero pinabulaanan nila na kasama sila para pabagsakin ang gobyerno ni Arroyo.
Sinabi ng source na madalas umanong makitang nag-uusap sina Valeroso, Batac at Almendras sa officers quarters ng una sa Camp Crame.
Bukod dito, ayon sa source, may safehouse daw na inuupahan ang tatlo para magsilbing "war room" nila sa isang gusali sa Annapolis, Greenhills, San Juan Metro Manila.
May nakikitang mga tao kabilang daw sa grupo ni Erap at ilang media practitioners ang labas-masok sa nasabing lugar.
Ayon sa source, ang grupo ni Batac umano ang siyang magpapagalaw ng puwersa sa Enero 19 para daw sa EDSA 4.
Ang grupo ni Almendras ang mamamahala daw sa mga left-leaning organization at militant labor groups para sumama sa nasabing rally.
Ang grupo ni Valeroso, ang siya namang mamamahala sa technical support.
Pero tiniyak ng source na nakahanda sila sa anumang mangyayari para ipagtanggol si Pangulong Arroyo.
Samantala, tiniyak ng Malacañang na hindi pagtatabuyan sa selebrasyon ng EDSA 2 ang mga demonstrador na kumakalaban kay Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Rigoberto Tiglao, Presidential spokesman, basta tiyakin lamang ng mga raliyista na magiging mapayapa ang kanilang kilos protesta at hindi ito gagawa ng mga marahas na hakbang.
Pero sinabi ni Tiglao na hindi magiging fiesta at magarbo ang nasabing okasyon na pangungunahan ni Arroyo at iba pang prominenteng personalidad.
Kampante ang Malacañang na maliit lamang ang puwersa ng mga anti-GMA na raliyista ang maglulunsad ng kilos protesta sa paggunita ng EDSA 2.
Gayunman, sinabi ng source, na naka-usap na ng ilang opisyal ng Palasyo ang pamunuan ng Iglesia ni Kristo, El Shaddai at Cavite Governor Ayong Maliksi na nagbigay ng katiyakan na hindi susuporta sa mga nagnanais guluhin ang EDSA 2 celebration.
Nauna rito, napa-ulat na si Maliksi ang siyang host ng mga pagpupulong sa kaniyang lalawigan ng mga tinaguriang Anti-GMA groups na kilalang kaalyado umano nina dating Pangulong Erap Estrada at mambabatas mula sa oposisyon.
Nilinaw ni Tiglao na kailangan dagdagan ang puwersa ng Task Force Libra na mangangasiwa sa seguridad ng nasabing selebrasyon. (Ulat nina Jaime Laude at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest