Lider ng EDSA 4, aarestuhin!
January 13, 2002 | 12:00am
Nakahanda ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Peoples Movement Against Poverty (PMAP) president Ronald Lumbao kasunod na rin ng pagbabanta nitong pamumunuan ang EDSA 4 para patalsikin sa kapangyarihan si Pangulong Arroyo.
Ayon kay PNP Spokesman, P/Chief Supt. Cresencio Maralit, handa silang damputin si Lumbao kung may arrest warrant na ibababa.
Si Lumbao ay kabilang sa mga pinakakasuhan ng rebelyon ng pamahalaang Arroyo matapos masangkot sa madugong paglusob ang mga loyalista ni dating pangulong Estrada sa Palasyo ng Malacañang noong Mayo 1, 2001 o ang tinaguriang People Power 3.
Pinakahuli ay ang muling panawagan ni Lumbao sa kanilang mga kaalyado na maglunsad ng People Power 4 na naglalayong agawin ang pamamalakad sa gobyerno kay Pangulong Arroyo.
Bagaman tiwala si Maralit na hindi matutulad sa madugong insidente ng "power grab" noong Mayo 1 ang napipintong pagdiriwang ng ika-isang taong anibersaryo ng EDSA 2 na nagluklok sa puwesto kay Pangulong Arroyo, siniguro nito na isang araw bago ang aktuwal na selebrasyon ay nakadeploy na ang kanilang mga puwersa para mamagitan sa mga Erap loyalists at supporters ng administrasyon sa pagdiriwang ng EDSA 2 para maiwasan at mapigilan ang pagsiklab ng karahasan.
Samantala, binalaan ng Pangulong Arroyo ang publiko laban sa grupong manghihikayat na sumama sa kanila para magtangkang ibagsak ang pamahalaan at wasakin ang sistema ng demokrasya ng bansa.
Sa kanyang programang "May Gloria ang Bukas Mo," sinabi ng Pangulo na ang grupong ito na anay ng lipunan ang siyang nagpapakalat ng tsismis laban sa kanyang administrasyon.
Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo kasunod ng pahayag ng ilang grupong dating sumusuporta sa EDSA Dos na maglulunsad sila ng rally at demonstrasyon mula Enero 16 hanggang 19 sa pagdiriwang ng unang taong anibersaryo ng EDSA 2 sa Enero 20.
"Huwag po tayong padadala sa mga tsismis mula sa mga anay ng ating lipunan. Ang gobyerno po ay matatag, ang gobyerno ay matibay at nasa likod natin ang taong bayan," anang Pangulo.
Mayroon anyang grupo na gustong paniwalain ang publiko na may kakayahan sila na ibagsak ang pamahalaan at sirain ang demokrasya at kalayaan ng taumbayan.
"Sa totoo po sila ay walang suporta sa military at pulis at lalo namang wala silang suporta sa taong bayan. Hindi makakapayag ang bayan na sirain ng mga anay na ito ang ating ipinaglabang kalayaan. Hindi rin papayag ang taumbayan na mapigil na namang muli ang pag-unlad ng ating ekonomiya na nagsimula nang umangat nitong nakaraang taon," sabi pa ng Pangulo. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest