Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, isa ito sa mga napagkasunduan sa ginanap na pulong ng Gabinete noong Martes na tumalakay din sa preparasyon sa pagdiriwang ng EDSA People Power I at EDSA 2.
Ang Presidential Commission on Good Government o PCGG ay nagsagawa ng pag-uulat hinggil sa coco levy fund sa ginanap na pulong.
Sinabi ni Tiglao sa kanyang regular na press briefing na ang pamahalaan ay hindi na tututol sa pagpasok ng Kirin sa San Miguel Corporation.
Ang nalalabi na lang aniyang paplantsahin para balangkasin ang pinal na kasunduan ay representasyon ng SMC sa mga kompanyang subsidiary ng SMC.
Ayon kay Tiglao, ang programa sa muling pagpapalakas ng industriya ng niyog sa tulong ng kinita sa coco levy ay paglalaanan ng mula P700 milyon hanggang P2 bilyon.
Magsisimula aniya ang programa sa halagang P700 milyon at ang laang pondo naman sa micro financing ay P200 milyon.
Ayon kay Tiglao, ang pautang na tig-P1,000 sa 1.5 milyong magniniyog ay makakatulong na ng malaki para sa pagtatayo ng maliit na negosyo na mapandaragdag sa kanilang araw-araw na pamumuhay. (Ulat ni Lilia Tolentino)