Pamasahe tataas sa toll fee hikes
January 5, 2002 | 12:00am
Sa halip na bumaba ang pamasahe dahil sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay malamang na tumaas pa ito kung hindi mapipigilan ng pamahalaan ang biglang pagtaas ng toll rates sa South at North Luzon Expressways.
Ayon kay Muntinlupa Rep. Rufino Biazon, siguradong ipapasa ng mga bus operator at iba pang transport groups sa mga pasahero ang pagtaas ng toll fees dahil lahat ng gumagamit ng expressway, lalo na yaong mga provincial buses ay apektado.
Hindi pa man naipatutupad ang pinakahuling toll fee hike ay pinagbawalan na ng mga operator ang kanilang provincial buses na dumaan sa Skyway upang hindi maapektuhan ang kanilang operasyon at hindi maipasa ang mataas na toll rates sa kanilang mga pasahero. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended