Misuari patay na?

"I think they are dramatizing it to get too much attention," ito ang naging kasagutan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa naging pahayag kahapon ni Tarhata Misuari, pangatlong asawa ni dating ARMM Governor Nur Misuari, na umano’y maaaring patay na ang renegade MNLF chief.

Matindi umano ang pangamba ni Tarhata na patay na ang kanyang asawa dahil hanggang kahapon ng umaga ay hindi pa rin ito ipinapakita sa kanila ng Malaysian authorities.

"It is possible that he (Misuari) may be dead and that is why there are not letting anybody to see him," sabi ni Tarhata matapos mabigo na makita si Misuari sa pagpunta nito sa Malaysia kasama ang kanilang tatlong anak.

Maging si RP Ambassador to Malaysia Jose Brillantes ay bigo ring makita o makausap ng personal si Misuari mula ng maaresto ito sa Malaysia. (Ulat nina Rose Tamayo at Malou Escudero)

Show comments