^

Bansa

Ari-arian ng mag-asawang naghiwalay ng legal dapat hatiin agad

-
Dapat na hatiin din agad ang ari-arian ng mga mag-asawang naghiwalay ng legal o na-annulled ang kasal.

Sa panukalang batas na inihain ni Cebu Rep. Nerissa Corazon Soon-Ruiz, sinabi nito na dapat nang amiyendahan ang Article 100 at 127 ng Executive Order No. 209 o mas kilala sa tawag na Family Code of the Philippines.

Sa kasalukuyang batas, ang legal separation ng isang mag-asawa ay walang epekto sa kanilang conjugal partnership o ari-arian dahil na rin marahil sa posibilidad na muli silang magsama o magkabati.

Bagaman at legal na magkahiwalay ang isang mag-asawa, ang anumang kinikita o naipupundar ng mga ito ay ikokonsidera pa ring bahagi ng conjugal property.

"Masyado itong unfair sa asawang nagpundar dahil hindi naman siya binigyan ng material o moral support ng kanyang hiwalay na asawa para ma-acquire ang property na kanyang nakuha," pahayag ni Ruiz.

Sa panukala ni Ruiz, nais nitong magkaroon ng retroactive effect ang legal separation o deklarasyon ng nullity o marriage sa hahatiing ari-arian ng mag-asawa.

Ang dapat lamang umanong paghatian ay ang mga naipundar habang nagsasama ang dalawa at hindi ang mga properties na naipundar ng isa habang sila ay magkahiwalay o hinihintay ang desisyon ng korte kaugnay sa kanilang legal separation o pagpapawalang bisa sa kasal. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BAGAMAN

CEBU REP

DAPAT

EXECUTIVE ORDER NO

FAMILY CODE OF THE PHILIPPINES

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MASYADO

NERISSA CORAZON SOON-RUIZ

RUIZ

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with