Hiling ni Marcelo na re-enactment ibinasura ng Malacañang
December 20, 2001 | 12:00am
Ibinasura ng Malacañang ang hiling ng negosyanteng si Pacifico Marcelo na bumalik sa Palasyo para sa re-enactment kaugnay ng kanyang sikretong pakikipagpulong kay Pangulong Arroyo.
Ayon kay Executive Secretary Alberto Romulo, sarado na ang kaso sa Senado kaugnay ng alegasyon ni Marcelo laban sa Presidente sa usapin ng telecom franchise deal at wala na umanong dahilan para isagawa ang re-enactment.
Nauna rito, hiniling ni Marcelo na nais nitong patunayan na ipinadaan siya sa backdoor ng Palasyo para sa kanyang sikreto umanong pulong sa Pangulo.
Samantala, nagsisisi naman si dating Appointments Secretary Maymay Jimenez kung bakit nito pinagbigyan ang hirit ni Marcelo na makipagkita sa Pangulo na nagresulta ng kontrobersiya. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest