Impeachment vs Desierto ibinasura
December 19, 2001 | 12:00am
Nakapuntos kahapon si Ombudsman Aniano Desierto matapos na ibasura sa ikalawang pagdinig ng House committee on justice ang impeachment complaint na isinampa laban sa kanya ni Atty. Ernesto Francisco.
Tatlumput limang (35) mambabatas ang bumoto para sa pagbasura ng reklamo sa usaping "sufficiency in form" habang lima ang pumabor at isa ang nag-abstain.
Ayon sa komite na pinamumunuan ni Rep. Marcelino Libanan (NPC, Eastern Samar), hindi nila nakita ang direktang paglabag ni Desierto at dahil sa kawalan ng "sustansiya" ay dapat lamang anya itong ibasura.
Ang ginawang findings ng komite ay idadaan sa plenary debate kung saan pagbobotohan ng 214 mambabatas kung dapat pang ituloy ang reklamo.
Sakaling makakuha ng mahigit sa 1/3 boto, ang naturang impeachment complaint ay maaaring ibalik sa komite upang ituloy ang proseso kung saan papayagan ang kampo ni Francisco na magprisinta ng mga ebidensiya.
Ikinatuwiran ng mga mambabatas na nagbasura sa "sufficiency in form" na batay lamang sa naging "recollection" o ala-ala ni Francisco ang mga pangyayari bukod pa sa naging pagtanggi ng businessman-banker na si Luke Roxas na siya ang nagdeliver ng P500,000 in cash kay Desierto noong September 1997.
Labis namang ikinatuwa ni Desierto ang overwhelming vote ng mga kongresista na ayon sa kanya ay isang patunay na umiiral pa rin ang batas sa bansa.
Umaasa naman si Francisco na lalabas din ang katotohanan at bibigyan ng mga mambabatas ng ikalawang pagkakataon ang kanyang reklamo at papayagan siyang iprisinta ang mga ebidensiyang hawak niya.
Ang impeachment complaint ay kaugnay sa pagtanggap umano ni Desierto ng suhol na P500,000 cash at mamahaling video camera na may kumpletong accessories. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest