^

Bansa

5 board of directors ni Erap sa SMC, pinagbibitiw ng Malacañang

-
Iginiit kahapon ng Malacañang na dapat nang magbitiw agad sa puwesto ang limang miyembro ng board of directors ng San Miguel Corporation na itinalaga ni dating Pangulong Joseph Estrada upang makapagtalaga ng bagong kapalit si Pangulong Gloria Macapagal - Arroyo.

Ito ay sina Raul de Guzman, bayaw ni Estrada; Allan Lee; Ben Paulino; Esperidion Laxa at Hermogenes Tantoco.

Intensiyon ng Pangulong Arroyo na tanggalin agad sa puwesto ang lima subalit sa desisyong ipinalabas ng Korte Suprema, sinabi nitong puwedeng palitan ang limang hinirang ni Estrada sa susunod pang pulong ng mga SMC Stockholders sa susunod na taon.

Dahil sa pagkabigo ng pamahalaang Arroyo na makapagtalaga ng mga bagong kapalit ng limang miyembro ng SMC board members noong Enero 20 matapos mapatalsik sa puwesto si Estrada.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na hindi na dapat hintayin ng limang appointees ni Estrada ang susunod pang pulong at kung mayroong "delicadeza" dapat nang magsibitiw ito sa kanilang posisyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ALLAN LEE

BEN PAULINO

ESPERIDION LAXA

HERMOGENES TANTOCO

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with