Non-biodegradable plastic materials ipagbabawal
December 16, 2001 | 12:00am
Hindi na maaaring gamitin bilang lalagyan, bags, wrappers at maging sa packaging ang mga non-biodegradable na plastic sa sandaling pumasa ang panukalang-batas na inihain ni Iloilo Rep. Narciso Monfort.
Sa House Bill 3982 ni Monfort, sinabi nito na hindi nakakatulong sa kalikasan ang mga non-biodegradable plastic materials dahil hindi ito basta-basta natutunaw.
Itinuturing umanong non-biodegradable ang lahat ng plastic materials na mayroong kemikal na nagiging sanhi upang hindi agad ito malusaw ng natural elements.
Sinabi pa ni Monfort na dahil sa napakabilis na takbo ng buhay sa ngayon, karamihan sa mga produktong lumalabas ay inilalagay sa mga tinatawag na "disposable materials" na basta-basta na lamang itinatapon matapos gamitin.
Sa ngayon ang malaking bahagi umano ng tone-toneladang basura sa Metro Manila araw-araw ay ang mga plastic na bumabara sa mga estero, ilog at landfills.
Kung hindi umano ipagbabawal ng pamahalaan ang paggamit ng mga non-biodegrable plastic materials ay siguradong lalong lulubha ang problema ng Pilipinas sa basura.
Sa panukala ni Monfort, papatawan ng parusang pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim na buwan at hindi naman lalampas sa tatlong taon ang sinumang tao o kumpanya na magma-manufacture, magbibili at mamamahagi ng mga non-biodegradable na plastic.
Pagmumultahin din ang mga ito nang hindi bababa sa P300,000 subalit hindi lalampas sa P500,000. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended