Mag-amang Estrada humirit ng Christmas vacation
December 11, 2001 | 12:00am
Hiniling kahapon ng mag-amang dating Pangulong Estrada at dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Third Division na bigyan sila ng 10 araw na Christmas vacation simula Disyembre 23 hanggang Enero 2, 2002 para umano makasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sinabi ng kanilang abogadong si Atty. Rene Saguisag na mahalagang payagan ang mga Estrada na makapagpahinga matapos makulong simula noong Abril 2, 2001.
Makatao umano ang kahilingan ng mag-amang Estrada bilang bahagi ng pagmamahalan at pagbibigayan ngayong kapaskuhan at tulad ng mga ordinaryong mamamayan ay nais rin nilang makapiling ang kanilang pamilya.
Tiniyak ni Saguisag na nakahanda namang sumunod ang mga akusado sa anumang security arrangement na ipatutupad ng Sandiganbayan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended