Sa Economic Summit: Trabaho dadagsa
December 11, 2001 | 12:00am
Ipinangako kahapon ni Pangulong Arroyo na babaguhin nito ang takbo ng pamumuhay ng mga Filipino para maisulong ang paglikha ng maraming trabaho, murang pabahay at gamot.
Sa ginanap na National Economic Summit kahapon sa Manila Hotel na dinaluhan ng mga mambabatas, Cabinet members at negosyante, inihayag ng Pangulo na bumuo sila ng mga hakbang para mabaka ang kahirapan at mabilis na pagpapaunlad ng ekonomiya upang maganyak ang bagong pamumuhunan sa bansa.
Isang standing committee na magmumula sa executive at legislative branches ng pamahalaan kasama ang mga kinatawan mula sa private sector ang bubuuin upang magsilbing mata na magbabantay sa pagpapatupad ng nabuong mga rekomendasyon.
Kabilang sa napagkasunduan ang pagkakaloob ng gantimpala ng pamahalaan sa makapagbibigay ng impormasyon tungo sa ikadarakip ng mga sindikato ng pangingidnap, paglutas sa problema sa trapiko, pag-aksiyon ng pamahalaan sa kahinaan ng sektor ng pananalapi, pagpapabilis ng repormang administratibo sa koleksiyon ng buwis at ang pagpapatupad ng Job Corps Program para makalikha ng empleyo at maisulong ang produksiyong pagkain.
Sinabi rin ng Pangulo na hindi masisi ang publiko kung malamig ang pagtanggap nila sa kalalabasan ng summit dahil hindi anya pwedeng isa-isantabi ang katotohanang sila ang nahihirapan.
Ayon naman kay Elmer Labog, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno, hindi umano tatanggapin ng mga manggagawa ang mga kasunduan na pinagtibay dahil mga negosyante at dayuhan lamang ang makikinabang dito at hindi ang mga manggagawa.
Hindi umano totoo ang sinasabi ng gobyerno na mas malaki ang bilang ng nagkaroon ng trabaho sa ilalim ng gobyernong Arroyo dahil ang 1.95 milyong "bagong trabaho" na nalikha umano ay kinabibilangan ng 878,000 unpaid family workers sa mga sweatshops at mga cottage industries at 785,000 naman ang self-employed. (Ulat nina Lilia Tolentino/Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest