^

Bansa

4 bata ni Nur patay sa gulpi ng taumbayan

-
Apat na hinihinalang tagasunod ni renegade Muslim leader Nur Misuari ang napatay makaraang kuyugin umano ng mga naghiganting vigilante sa Zamboanga City.

Sa nakalap na report, isinumbong ng mga galit na villagers sa mga sundalo ang presensiya ng isang grupo ng mga armado sa Limpapa district na nagresulta para sumugod dito ang mga tropa ng militar at magkabanatan.

Tatlo sa mga rebelde ang napatay at nakarekober ng isang AK-47 rifle at dalawang Garand rifle.

Samantala, natagpuan naman ang ika-apat na bangkay ng rebelde sa Upper Pasonanca district na bugbog-sarado at may tama ng baril at saksak na gawa umano ng mga residente nang tangkain nitong tumakas matapos manghabol ng palo sa dalawa katao.

Pinabulaanan naman ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu na napatay ng mga villagers ang mga renegade rebel ng dating ARMM governor.

Ayon kay Cimatu, dakong alas-11:30 ng umaga ng masabat ng mga operatiba ng Army’s Special Forces habang nagsasagawa ng combat patrol ang may 10 tauhan ni Nur sa bisinidad ng Bgy. Lapayan sa pagitan ng hangganan ng lungsod ng Zamboanga at Zamboanga del Norte.

Agad pinaputukan ng mga armadong loyalitsa ni Nur ang tropa ng military kung saan tumagal ng halos isang oras ang bakbakan hanggang sa mapilitang umatras ang mga rebelde.

Nagkanya-kanyag direksiyon sa pagtakas ang mga followers ni Nur at sa mopping-up operations ng mga sundalo ay natagpuan ang mga bangkay. (Ulat ni Joy Cantos)

JOY CANTOS

NUR

NUR MISUARI

ROY CIMATU

SOUTHCOM CHIEF LT

SPECIAL FORCES

UPPER PASONANCA

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with