Ang mga OFWs na kinabibilangan ng isang nangangalang Rose, Dolores, Espiritu,Jaime Binuya, Edgar Rubiya,Teddy Tomaro, Zaldy Grecia at isang Rev. Nones ay kasalukuyang nakakulong sa Sulaiba Central Jail sa Kuwait.
Ang mga ito ay inaresto matapos pinagbabaril sina Luc Ethier at ang asawa nitong dating OFW na si Mary Jane Bitos habang naglalakad sa palengke noong Oktubre 10 ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan.
Ayon sa mga nakakulong na OFWs na sila ay inosente kaya naman kinakailangan nila ang tulong ng Presidente dahil posibleng bitay ang kinakaharap nila dahil kasong murder ang isinampa sa kanila ng Kuwait authority. (Ulat ni Rose Tamayo)