50 katao hinostage ng MILF
November 28, 2001 | 12:00am
Dalawamput limang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) renegades at isang sundalo ang napatay, samantala 15 katao ang sugatan nang lusubin ng mga armadong tagasunod ni Nur Misuari ang Cabatangan complex sa Zamboanga City at i-hostage ang 50 sibilyan, kahapon ng madaling araw.
Sa report na tinanggap ni AFP Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, dakong alas-3:30 ng madaling araw ng magsimulang umatake ang renegade fighters ni Misuari sa Zamboanga City kung saan tinangka nilang makalabas sa satellite headquarters ng MNLF at pasukin ang Zamboanga proper dala ang kanilang mga armas, pero hindi sila pinalampas ng tropa ng militar na nagresulta sa madugong bakbakan.
Dahil dito, naghanap ng matatakbuhan ang mga rebelde at sinalakay ang Cabatangan hilltop complex. Nagpaputok ang mga ito sa pinasok na Navarro Court at Fairview subdivisions kung saan 50 katao dito, karamihan mga bata at kababaihan ang kanilang tinangay at ginamit na pananggalang sa mga sumusugod na puwersa ng pamahalaan. Kabilang sa mga nasugatan sa ginawang pagpapaputok ang researcher ng GMA-7.
Itinali ang mga bihag at habang naglalakad ay nakataas ang mga armas ng mga rebelde at sumisigaw ng "Allahu Akbar" (God is great). Walong mga bata ang iniulat na pinakawalan.
Hindi pa rin malinaw kung anong kahilingan ng mga rebelde pero isang negosasyon na ang nagaganap. Nabatid na gusto ng mga rebelde na hayaan silang makaalis ng maayos at makabalik sa ARMM.
Sinabi naman ni AFP Southcom Chief, Lt. Gen. Roy Cimatu na hindi nila pahihintulutan ang puwersa ni Misuari na makatakas bitbit ang mga armas na inisyu ng pamahalaan at hanggang ngayoy hindi pa rin naisusurender.
Ang nalalabing renegade forces ay nasa ilalim ng pamunuan ng pamangkin ni Misuari na si Julhambri Misuari.
Bago pasukin ang Cabatangan ay una nang sinalakay ng MNLF fighters ang Pasonanca at sinunod na inatake ang karatig na mga lugar dito.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng Task Force Zamboanga at sinagupa ang mga puwersa ng paksiyon ni Misuari.
Kumilos ang Phil. Air Force bomber planes sa direktiba ni PAF Chief, Lt. Gen. Benjamin Defensor at may 10 bomba na ang ibinagsak gamit ang MG520 attack helicopters, SF260 trainers at OV 10 Broncho sa kinaroroonan ng rebel forces ni Misuari.
Ipinag-utos na rin ng mga lokal na awtoridad ang pagpapasara sa lahat ng paliparan at daungan habang sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng paaralan.
Nangako naman si Cimatu na tatapusin ang hostage-taking sa Cabatangan. Hiningi na nito ang tulong ni acting Zamboanga Gov. Istadz Alvarez, dating tagapagsalita ng ARMM, para sa isinasagawang pakikipag-negosasyon sa mga loyalista ni Nur.
Kasabay nito, sinabi ni National Security Adviser Roilo Golez na napunta sa pamimili ng mga matataas na uri ng armas ang bilyun-bilyong pondong nakuha ni Nur mula sa gobyerno. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended