^

Bansa

DOLE kinastigo dahil walang malasakit sa OFWs

-
Kinastigo ni Senador Tessie Aquino-Oreta ang kawalan ng malasakit ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kagalingan at kaligtasan ng lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil pawang cosmetic measures lamang ang ipinatutupad upang protektahan ang kanilang interes.

Sinabi ni Oreta na higit pa ang dapat ibigay ng pamahalaan sa OFWs dahil palaging nakahilig ang ating ekonomiya sa kanilang paghihirap sa panahon na kritikal ang kabuhayan ng bansa.

‘‘Katanggap-tanggap man ang proyektong grand welcome sa dumarating na OFWs sa Kapaskuhan, ngunit kailangang tiyakin ng gobyerno na magkaroon ng programang magbibigay ng magandang benepisyo sa Filipino migrant workers, partikular ang ating kababayan na nahaharap sa maraming problema sa abroad,’’ giit ni Oreta.

Tinukoy ng mambabatas ang namimintong pagbabawas ng Filipino domestic helper sa Hong Kong at Taiwan, kalagayan ng mga pinagsasamantalahang nurse sa London at Ireland at 140,000 marino na mawawalan ng hanapbuhay sa susunod na taon na siyang dapat tugunan kaagad ng administrasyon.

Aniya, ilan lamang sa kongkretong pagkilos na inaasahan ng OFWs sa gobyerno ang plano ni Vice President and Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr., na maglunsad ng distant education program at huling direktiba ng Education Department na tanggalin sa requirements ng seafarers ang school credentials mula sa naturang ahensiya. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EDUCATION DEPARTMENT

HONG KONG

KAPASKUHAN

ORETA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

RUDY ANDAL

SENADOR TESSIE AQUINO-ORETA

VICE PRESIDENT AND FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with