^

Bansa

Rod nagsalita na: Hindi ako ang killer

-
Binasag na rin kahapon ng Amerikanong si Rod Lauren Strunk ang katahimikan matapos nitong itanggi na siya ang mastermind sa pagpaslang sa kanyang sikat na asawang aktres na si Nida Blanca.

Sa kanyang press statement na binasa sa GMA-7 kagabi, sinabi ni Strunk na inosente siya sa krimeng ibinibintang laban sa kanya.

"I am innocent of the horrible crime against my wife and pray we all get to the bottom of it, soon I have nothing to gain, I have everything to lose. It seems I have nothing to live for now but the truth and that’s worth fighting for," ani Strunk.

Ayon kay Strunk, wala siyang motibo para ipapatay ang kanyang asawang si Nida dahilan sa ito ang buhay niya matapos niyang itong mahalin at magsama sila sa loob ng 22 taon pagkaraang makasal siya sa aktres.

"I am shocked by the recent emergence of a character who claims I hired him to kill my wife. I have never met him. I do not know him," sabi pa ni Strunk, na tumangging kinuha niya ang serbisyo ng self-confessed killer na si Philip Lucero Medel sa halagang P50,000 para itorture sa pamamagitan ng pagsaksak ng mababaw at panggugulpi kay Blanca subalit sa kasamaang palad ay natuluyan itong mamatay.

Sinabi ni Strunk na posible umanong may mga taong nasa likod ng pagdadawit sa kanyang pangalan sa krimen at biktima siya ng frame-up ng mga totoong tao na pumatay kay Nida. Gusto lamang anyang sirain ang kanyang relasyon kay Kaye.

"Whoever is behind this frame-up have hidden agenda to destroy me and use me as their fall guy in order for them to get away with the crime they themselves committed, to muddle up my relationship with my stepdaughter, and to divide the family and render us incapable of moving as one toward our quest for truth and justice," ayon pa sa press statement ni Strunk.

Umaasa si Strunk na tutuparin ni Pangulong Arroyo ang pangako nitong walang magiging fall guy sa kaso.

Bilang reaksiyon, hinamon naman kahapon ni PNP-crime laboratory director, P/Chief Supt. Marlowe Pedregoza si Strunk na sumailalim sa drug at lie detector test kung talagang wala itong kasalanan. (Ulat ni Joy Cantos)

AMERIKANONG

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

MARLOWE PEDREGOZA

NIDA

NIDA BLANCA

PANGULONG ARROYO

PHILIP LUCERO MEDEL

ROD LAUREN STRUNK

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with