Atlanta office iiwan na ng MTRCB
November 20, 2001 | 12:00am
Hindi na umano ligtas ang Atlanta Centre Tower kaya iiwan na ng Movie, Television, Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang opisina sa naturang gusali na nasa Annapolis st., Greenhills, San Juan
"We are packing up, with the arrest of the suspect (Philip Medel) we now realize how vulnerable we are in this building," sabi ni Felicitas Alijandro, MTRCB legal officer sa isang panayam.
Ang MTRCB ay umuokupa sa 33rd at 3nd floors ng 38-palapag ng naturang gusali, subalit ang kanilang parking area ay nasa 6th floor kung saan napatay si Nida Blanca.
Ayon sa ilang MTRCB employees na tumangging magpakilala, hindi nila nasisiguro ang kanilang kaligtasan sa loob ng Atlanta building dahil na rin sa pagkamatay ni Blanca.
Bago napaslang ang aktres, napansin nila na hindi masyadong pinapansin ng mga opisyal sa naturang gusali ang kanilang mga sasakyan na nakaparada sa sixth floor kahit nagreklamo na sila ng vandalism. Bukod dito, noong nakaraang Setyembre ay nag-panik ang MTRCB employees ng masunog ang gitnang bahagi ng gusali at muntik na silang ma-trap.
"Hindi ka makapag-concentrate sa trabaho dahil palagi mong iniisip ang kaligtasan mo," pahayag ng isang film reviewer.
"Kung ang isang hired killer ay nakakapag-stay sa parking area nang mahabang oras nang hindi napapansin ng mga security guard sa gusali, panahon na siguro para lisanin ang lugar," wika pa ng reviewer. (Ulat ni Perseus Echeminada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended