^

Bansa

'Surfer' na nagdiin kay Rod sa internet, kikilalanin

-
Masusing kikilalanin ng PNP-Task Force Marsha ang umano’y "surfer" na nangangalang Jonathan na unang nagturo at nagdiin kay Rod Strunk sa internet na ito ang umano’y pumaslang sa asawang aktres na si Nida Blanca.

Ayon sa spokesman ng Task Force Marsha, Sr/Supt. Leonardo Espina na ang kanilang pamunuan ay nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang makilala ang ang pagkatao ng nasabing "surfer".

Lumutang ang pangalan ni Jonathan sa internet kinabukasan matapos natagpuang patay si Blanca noong Nobyembre 7 sa likuran ng kotse nito sa ika-anim na palapag ng Atlanta Centre Building sa San Juan.

Isinaad nito sa internet na may motibo si Strunk para umano patayin ang asawa dahil gumon umano ito sa sugal at madalas umanong pag-awayan ang paggiit nito sa aktres na ibenta ang kanilang bahay sa White Plains ng halagang P25 hanggang P30M para pambayad sa pinagkakautangan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

ATLANTA CENTRE BUILDING

AYON

ISINAAD

JHAY MEJIAS

LEONARDO ESPINA

NIDA BLANCA

ROD STRUNK

SAN JUAN

TASK FORCE MARSHA

WHITE PLAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with