^

Bansa

Fingerprint ng witness tugma sa nakuha sa kotse ni Nida

-
"It’s a perfect match!"

Ito ang inihayag kahapon ni PNP-Task Force Marsha Spokesman Sr. Supt. Eduardo Espina matapos na mag-match ang fingerprint nang isa sa 22 witness na nakuha sa kotse ng pinaslang na beteranang aktres na si Nida Blanca.

"Out of the 24 lifted from in and out of the car, one lifted print inside the car is identical with the left thumb print of one of the witnesses,"
sabi ni Espina sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay Espina, isa ang fingerprint na ito na isinasailalim sa pagsusuri ng PNP-Crime Laboratory ang itinuturing ngayong pinakamatibay na ebidensiya para madakip ang brutal na pumaslang kay Nida, 65, Dorothy Jones sa tunay na buhay.

Bunga nito, ayon pa sa opisyal, isa sa 22 tumatayong testigo ay posibleng suspek sa krimen.

Sinabi ni Espina na maituturing na "perfect match" ang ginawa nilang pagsusuri sa fingerprints nang isa sa testigo sa krimen at sa nakuhang fingerprints sa sasakyan ng biktima .

Sa kabuuang bilang umano ng 22 testigo sa krimen, isa umano sa mga ito ang kumpirmadong naka-bakat pa ang fingerprint partikular ang lefth thumb print nito sa "rear side door interior part" ng Nissan Sentra na pag-aari ng biktima.

Samantala, isang fingerprint din ang nakuha sa labas ng kotse ng aktres na natagpuan sa kongkretong pader sa 6th floor ng parking area ng Atlanta Centre Tower sa Greenhills, San Juan kung saan natagpuang nakabulagta ang aktres sa backseat ng sasakyan at tadtad ng 13 saksak sa katawan at mukha.

Tumanggi naman si Espina na ibunyag kung lalaki o babae ang nag-mamay-ari nang nag-match na fingerprint ngunit iginiit nito na may matibay na silang lead para malutas ang brutal na krimen.

"We have a very good lead that will result to a very good case,"
ani Espina na nagsabi pang 35 fingerprints ang masusi nilang sinisiyasat upang malutas ang kaso.

Hanggang sa kasalukuyan umano ay patuloy pa rin ang isinasagawa nilang pag-imbestiga at pagkuha sa iba pang bakas ng kamay o daliri sa kotse ng biktima at maging sa column walls ng parking lot.

Batay sa rekord ng Task Force Marsha, nakakalap na sila ng 24 bilang ng fingerprints mula sa loob at labas ng sasakyan ng biktima at sa buong bisinidad ng garage area ng Atlanta.

Ang resulta umano ng isinasagawang DNA test sa ilang testigo ay posible pang matapos pagkalipas ng tatlo hanggang apat na linggo ngunit ito umano ay pandagdag lamang ng ebidensiya.

Sinabi pa ng opisyal na sa kasalukuyan ay may ikinokonsidera na silang isang grupo ng mga "primary suspect" sa kaso na kabilang sa 22 testigong hawak ng Task Force Marsha. (Ulat ni Joy Cantos)

ATLANTA CENTRE TOWER

CAMP CRAME

CRIME LABORATORY

DOROTHY JONES

EDUARDO ESPINA

ESPINA

JOY CANTOS

NIDA BLANCA

TASK FORCE MARSHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with