^

Bansa

8 OFWs kinasuhan ng murder sa Kuwait

-
Nanganganib na mabitay ang dating Pinay domestic helper (DH) na asawa ng pinaslang na Canadian Air Force technician na si Luc Ethier at ang 7 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait matapos isa-isang arestuhin ang mga ito ng Kuwaiti authorities simula noong Oktubre 23, taong kasalukuyan at paratangang sangkot o magkakutsaba sa pagkakapaslang noong Oktubre 10 sa nasabing banyaga.

Ang dating DH na si Mary Jane Bitos, asawa ni Ethier na naging paralisado dahil sa matinding tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan at kasalukuyan pang ginagamot sa Al-Adan Hospital sa Kuwait City at ang mga OFWs na sina Teddy Tamayo, Dolores Espiritu, Jaime Binuya, Zaldy Grecia, Edgar Rubiya, Rev. Nones at isang nagngangalang Rose ay inakusahan ng Kuwaiti authority na magkakutsaba at umano’y pumaslang kay Ethier.

Ang mga nabanggit na OFWs ay pawang mga miyembro ng Christian Fellowship Congregation sa Kuwait.

Ang mga ito ay nakatakdang sampahan ng kasong murder at conspiracy na may kaparusahang bitay.

Bagama’t taliwas ito sa naging salaysay at sinumpaang pahayag ni Bitos kay Philippine Ambassador to Kuwait Sukarno Tanggol ng kausapin ito ng huli sa ospital. (Ulat ni Rose Tamayo)

AL-ADAN HOSPITAL

CANADIAN AIR FORCE

CHRISTIAN FELLOWSHIP CONGREGATION

DOLORES ESPIRITU

EDGAR RUBIYA

ETHIER

JAIME BINUYA

KUWAIT CITY

KUWAIT SUKARNO TANGGOL

KUWAITI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with