Mister ni Nida ipatatawag na
November 11, 2001 | 12:00am
Nakatakdang ipatawag ng PNP Task Force Marsha ang dayuhang asawa ng pinaslang na beteranang aktres na si Nida Blanca para bigyang linaw ang kumalat sa website mula sa isang di nagpakilalang kaibigan ng biktima na nagtuturo kay Rod Strunck na siya umanong killer ng aktres.
Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group chief, P/Director Nestorio Gualberto, hepe ng Task Force Marsha, kukunan nila ng pahayag si Strunck matapos idetalye ng isang e-mail sender na nagpakilala sa pangalang "Jonathan" na lubog umano sa utang ang mister ni Blanca sanhi ng matinding pagkagumon nito sa sugal. Bunga nito iginigiit umano ng lalaki na ipagbili ang tahanan ng mag-asawa sa halagang P25 hanggang P30M.
Sinabi ni Gualberto na wala pa silang principal suspects dahil nasa proseso pa rin sila ng pag-evaluate sa lahat ng impormasyon na natatanggap nila, kabilang na rito ang mga testimonya ng mga lumutang na testigo.
Ang pagpapatawag kay Strunck ay bahagi anya ng imbestigasyon dahil magsisimula ang kanilang pagtatanong sa mga taong malalapit sa aktres ay ito ay sa mismong pamilya nito, kaanak at malalapit na kaibigan.
Malaki ang kumpiyansa ng Task Force Marsha na malulutas ang kaso sa lalong madaling panahon dahil na rin sa nakalap nilang mahahalagang lead na tutukoy sa mga salarin.
"Maganda na ang itinatakbo ng imbestigasyon natin, nag-move na. Kung nasa loob na tayo ng tunnel, me nakikita na tayong liwanag," pahayag ng opisyal.
Nauna nang ibinasura ng PNP ang anggulong robbery at hindi rin umano mga drug addict ang killers ni Blanca.
Kabilang rin sa anggulong tinututukan ngayon ang huling kasama ni Blanca na naglaro sa Casino Filipino sa Parañaque ilang oras bago ito matagpuang patay sa kanyang kotse na nakaparada sa parking area ng 6th floor ng Atlanta Centre Towers sa Greenhills.
Samantala, hindi naman naniniwala si Mario Arcilla, pinsan ni Blanca, na magagawa ni Strunck ang pagpaslang sa kanyang pinsan dahil maganda anya ang samahan ng mag-asawa at masaya sa loob ng 22 taon nilang pagsasama.
Kaugnay nito, pinaghahanap na rin ng operatiba ng PNP-CIDG ang tatlo umanong kahina-hinalang lalaki na nakitang gumagala sa 6th floor ng Atlanta Towers noong gabi ng Nobyembre 6 o ilang oras bago pinaslang ang aktres.
Magugunita na si Blanca ay natagpuang nakalugmok sa backseat ng kanyang kotse at tadtad ng 13 saksak sa mukha at katawan. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended