Russian government nakaimbento ng pagpatay sa spores ng antrax
November 7, 2001 | 12:00am
Tapos na ang suliranin sa biological mail na inihahasik ng mga terorista makaraang ipahayag ng Russian government kahapon na naimbento na nila ang isang makina na may kakayahang patayin ang aumang spores ng anthrax na nakapaloob sa liham.
Sinabi ng hepe ng United States Homeland Security Defense na si Tom Ridge na nakikipag-ugnayan na sila sa Kremlin government na kaagad namang nagbigay ng kasiguruhan na kaagad na magpapadala ng nasabing makabagong imbensiyon.
Isang Russian microbiologist at isa pang Russian physicist ang nakaimbento ng binansagang "anthrax annihilator" na kung saan gumagamit ng electrom beam na kayang mag-penetrate sa anumang uri ng mailed letter at pinapatay ang anumang bacteria na nasa loob nito. Hindi maapektuhan ang laman ng sulat sa panahong idinadaan na ito sa makina.
Ang "anthrax annihilator" ay tulad din ng x-ray machine na mayroong built-in electron radiating beam na siyang lilinis sa anumang traces ng anthrax spores maging ito man ay cutaneous o inhaled form. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended