Opisina ni Kabayan sa senado, muntik masunog
November 1, 2001 | 12:00am
Muntik nang matupok sa sunog ang gusali ng senado dahil sa sumabog na daylight sa loob ng tanggapan ni Senator Noli "Kabayan" de Castro kahapon ng madaling araw sa GSIS building, CCP complex sa Pasay City.
Ayon sa tinanggap na ulat ni Gen. Leonardo Lopez (Ret), chief ng OSSAA bandang alas-5:10 ng madaling araw nang mapansin ng nagrorondang senate security ang pangangamoy ng sunog sa opisina ni de Castro sa room 517 ng senado.
Kaagad na inalerto ng senate security ang kanilang kasamahan sa buong 5th floor hanggang sa katukin ang pinto sa opisina ni Sen. de Castro at pinabuksan ang mga ito ng isang utility aide na natulog umano sa loob ng tanggapan.
Natuklasan na nagliliyab na ang daylight sa kisame sanhi ng nag-overheat na ilaw na magdamag umanong nakabukas.
Iniutos ni Gen. Lopez ang pagsasagawa ng imbestigasyon kung bakit nakalusot ang isang utility aide na makatulog sa tanggapan ng senador gayung mahigpit itong pinagbabawal.
Magugunita nitong nakalipas na linggo ay halos bumaha naman sa ikalawang palapag ng senado matapos na umapaw ang gripo dito na naiwang nakabukas. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am