^

Bansa

Pagpugot kay Sobero ikinuwento ng naarestong Sayyaf

-
Umiiyak na nagmakaawa ang Californian hostage na si Guillermo Sobero ilang sandali bago ito tuluyang pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ito ang senaryong ikinuwento ng isang teenager na kasama sa apat na bandidong naaresto sa Basilan nitong nakaraang Linggo at kabilang sa nagsagawa ng pagdukot kay Sobero at sa iba pang bihag noong nakaraang Mayo 27.

Ayon kay Bashir Balahim, 16, piniringan at itinali ang mga kamay ni Sobero at saka ito pinaluhod. "No, no, please, I beg of you," umiiyak na pagmamakaawa ng biktima bago tinagpas ni Abu Haija, aide ni Sayyaf leader Khadaffy Janjalani, ang ulo nito ng machete.

Kasama ni Balahim na naaresto ang amang si Abdul Kap, senior leader ng ASG. Kapwa sila nakapiit sa selda ng pulisya sa Zamboanga City.

Ayon sa teenager, 14-anyos pa lang siya ay Abu Sayyaf member na at nakapatay na ng di mabilang na mga sundalo.

Pero hindi ipinagmamalaki ni Balahim ang gawaing ito at kung siya lang ang masusunod, "ayoko nang maging Abu Sayyaf member palagi kang tumatakbo, mahirap yung hinahabol ka ng maraming sundalo," wika ni Balahim.

ABDUL KAP

ABU HAIJA

ABU SAYYAF

AYON

BALAHIM

BASHIR BALAHIM

GUILLERMO SOBERO

KHADAFFY JANJALANI

SOBERO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with